Dahil sa pinaigting na SACLEO (Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation), naging maagap ang Pulis Kasanggayahan makaraang maaresto ang limang most wanted persons (MWPs) mula sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon.
Sa bayan ng Magallanes ay dalawang akusado ang hinainan ng kani-kanilang warrant of arrest na kinabibilangan ng rank No. 4 most wanted person na si Joey Merciales Rico, 29-anyos, binata, walang trabaho at residente ng Brgy Aguada sa kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse na mya itinakdang piyansa na P200K.
Arestado din si Joseph Ajero Garcia, 44-anyos, tricycle driver at naninirahan sa Brgy Pantalan sa kasong rape na walang itinakdang piyansa.
Sa bayan ng Bulan ay arestado si Amancio De la Cruz Giray Jr., 43-anyos, may asawa, isang guro at naninirahan sa Brgy Zone 5. Inaresto ito sa paglabag sa RA 9262 o VAWC, dahil sa hindi pagbibigay o hindi sapat na pagbibigay ng suportang pinansyal sa kanyang pamilya. Inutusan ito ng RTC Br 55, Irosin, Sorsogon na maglagak ng piyansan na aabot sa P36K.
Dahil sa kasong homicide, ay inaresto si Ricky Don Ortinero, 21-anyos, binata at naninirahan sa Brgy San Fernando, Pto Diaz. Aabot sa P120K ang itinakdang piyansa dito.
Sa bayan ng Donsol ay arestado si Vincent Llantos Miraballes, 26-anyos, binata at residente ng Brgy Banuang Gurang, sa kasong act of lasciviousness na may inirekomendang piyansa na P36K.
