5 nadagdag sa mga namatay sa COVID-19 sa Camarines sur; fatalities umakyat na sa 136

NAGA CITY –  Nadagdagan na naman ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Camarines Sur, sa record ng Environment, Disaster Management, and Emergency Response Office (EDMERO) 5 ang nadagdag.

Ang mga ito ay mula sa mga bayan ng Nabua, Pili, Buhi, Canaman at lungsod ng Iriga, kaya umakyat na sa 136 ang fatalities.

Samantala, ang mga nag positibo naman ay nasa 70 lahat na mula naman sa mga bayan ng Pili na may 13 kaso ; Nabua,may 12 kaso; Iriga City, anim. Tig-aapat namang kaso sa mga bayan ng Calabanga, Milaor at Pasacao.

Tigtatlo namang kaso sa mga bayan ng Camaligan, Caramoan, Ragay at Canaman.

Ang mga bayan naman ng Bula, Bato at Magarao ay tigdalawang kaso.

Tig-iisang kaso sa mga bayan ng Balatan, Bombon, del Gallego, Goa, Minalabac, Pamplona, San Jose, Sipocot at Tigaon.

Ang mga bagong positibong ito ay kabilang na sa 654 active cases.

May 39 namang mga bagong naka recover, kaya ang Camarines Sur ay may recovered cases ng 2,701 na mula sa kabuuang kasong 3,491.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *