5 panibagong nasawi sa COVID-19 sa Camarines Sur; 63 naman nadadag sa positibo

NAGA CITY- 5 ang panibagong nasawi sa COVID-19 sa Camarines Sur base sa record na inilabas ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) kahapon.

Mga residente ng Barangay Sto Domingo,  Bombon; San Miguel, Milaor;  Salvacion, Bula; Baras, Canaman at Barangay Belen sa Goa.

Bukod sa mga nasawi , mayroong 63 na nadagdag na positibo, 7 sa mga ito ay early detected sa Del Gallego Border Control Point; mga galing sa Cavite, Laguna at  Quezon City. Sila ay walang exposure sa komunidad dahil na quarantine kaagad habang ang iba rito ay mga close contacts ng una nang mga pasyente.

2, 715 na ang cumulative cases sa lalawigan, 586 ang aktibo, 2,019 ang gumaling na at may nasawing 111.

Samantala, pinaalalahan ng Department of Health Bicol ang lahat ng health personnel at iba pang mga frontliners na maging maingat din sa pag-uwi sa bahay lalo pa kung may mga daratnang immunocompromised.

Ayon kay Kenn Nuyda ng Regional Epidemiology Surveillance Unit 5, may mga probinsya sa Bicol na minsan ang walang naipapaalang samples, walang nasusuri kaya maoobserbahan na may agwat ang pagtala ng record at biglaang marami ang bilang. Habang ang Camarines Sur at Naga City ay regular na nakapapagpadala ng samples.

Nakakasunod din sa cut off ng sending ng specimen na 70 hanggang 100 bawat araw.

Bukod dito may naitatala rin laboratory ng Bicol Medical Center sa Naga at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) o Bicol Sanitarium sa Cabusao Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *