5 patay sa raid, 2 arestado sa North Cotabato

KIDAPAWAN CITY – Patay ang limang indibidwal habang dalawa naman ang naaresto sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng North Cotabato kaninang madaling araw sa Sitio Pedtad, Purok-5, Barangay Dungos, Tulunan, Cotabato.

Sa report ni PNP Chief P/Maj. Junrel Amotan, hepe ng Tulunan Police, bitbit nila ang isang search warrant laban sa suspek na si Danny Lamalan Cabakungan alyas “Kumander Magnetic”.

Hindi paman sila umabot sa bahay ng suspek ay agad na umanong silang pinaputukan ng grupo ng suspek dahilan para gumanti rin sila ng putok,

Ilang minuto ring nagkasagupaan ang mga otoridad laban sa grupo ni kumander Magnetic.

Hindi nakaligtas ang mga suspek sa kamay ng mga otoridad.

Patay on the spot ang apat na kasama ni Kumander Magnetic habang sa ospital na ito binawian ng buhay.

Narekober ng mga operatiba sa kuta ng kumander ang mga matataas na kalibre ng armas, pampasabog, iligal na droga, mga bandoliers, bala at mga cellphones.

Inaalam pa sa ngayon ang pagkakilanlan ng 4 na mga napatay sa operasyon at ang dalawang nahuli na nasa kustodiya na ng Tulunan Police. (BNFM KIDAPAWAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *