5 pulis na sangkot sa pagkawala ng ilang mga sabungero – tuluyan nang sinabak ng PNP chief

Nilagdaan na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang dismissal order para tuluyan nang tanggalin sa puwesto ang limang mga pulis na sinasabing nasa likod ng pagkawala ng isa sa 34 na mga sabungero sa Laguna.

Kinumpirma ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na tinanggal na sa puwesto ang mga pulis na sina PSSG Daryl. Paghangaan, PAT Roy M. Navarete, PLT Henry S. Sasaluya, PMSG Michael J. Claveria at PAT Rigel S. Brosas.

Hinggil ito sa August 2021 kidnapping ni Ricardo Lasco sa San Pablo City sa Laguna.

Kung maaalaa, una nang nakitaan ng probable cause ng Department of Justice sina Paghangaan, Navarete, at Brosas dahilan para sila ay makasuhan ng kidnapping at robbery.

READ MORE:

Bagamat hindi naman kinasuhan sa regional trial court (RTC) sa Laguna sina Sasaluya at Claveria ay, sinibak pa rin ito ni Azurin.

Paliwanag ni Fajardo, mayroon pa rin silang mga kasong administratibo kaya tuluyan na rin silang di-nismiss sa puwesto.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *