5 sakay ng motorsiklo sugatan sa Rizal, Palawan

Sugatan ang limang sakay ng isang motorsiklo nang mabangga ng isang dump truck pasado alas-11:55 ng umaga kahapon September 16, 2021 sa Brgy. Bunog, Rizal, Palawan.

Isang 17 anyos ang nagmamaneho ng motorsiklo sakay nito ang 3 pang minor de-edad at 21 anyos na si Havivi Bituin Madaya na pawang residente ng Bgy. Calumpang ng nasabing munsipyo.

Kinilala ang driver ng truck na si Arnold Aloro Jurilla, 35-anyos residente ng Barangay Quilogan, Quezon, Palawan.

Ayon sa ulat ng pulisya , binabaybay ng motorsiklo ang national highway ng Bgy. Bunog patungong sur nang bigalng mawalan ng kontrol at bumangga sa nakasalubungang dump truck.

Isinugod ang limang sakay ng motorsiklo sa Rizal District Hospital dahil mga pinsalang tinamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *