5 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa bayan ng Narra

Sugatan ang mga sakay sa magkahiwalay na banggaan ng motorsiklo sa National Highway ng Barangay Malinao sa Bayan ng Narra,Palawan.

Ayon kay punong Barangay Felomina Janeva, una nang nangyari ang banggaan ng motorsiklo pasado alas- sengko kahapon ng hapon, March 16, 2023.

Sinundan naman ng banggaan ganap na alas-otso kagabi kung saan tatlo ang sugatan.

Kinilala ng punong Barangay ang driver ng Honda GTR na si Jovannie Lagata, 33 anyos, sakay nito si John Paul Tingdan, 33 anyos, kapwa residente sa Quezon, Palawan.

Habang menor de edad naman ang driver ng Euro 125 na residente umano ng Barangay Caguisan, Narra.

Samantala, ang mga sangkot sa magkahiwalay na banggaan ay mabilis na isinugod sa pagamutan para lapatan ng lunas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *