International

5 suspek inaresto sa Mexico dahil sa umano’y papel ng mga ito sa pagkamatay ng 39 katao sa isang migrant detection center

Lima katao ang inaresto ng mga awtoridad sa Mexico dahil sa umano’y papel ng mga ito sa pagkamatay ng 39 na indibidwal matapos masunog ang isang Mexican migrant detention center nitong linggo.

Ayon kay Sara Irene Herrerias, head of the attorney general office’s human rights unit, naglabas ng mga warrants laban sa tatlong opisyal ng National Institute for Migration, dalawang private security officers at isang indibidwal na inakusahang nagsimula ng sunog.

Hindi naman nilinaw kung alin sa anim na arrests orders ang nananatiling nakabinbin.

Ang nangyaring sunog ang isa sa deadliest migrant incidents nitong mga nakaraang taon.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago