5 suspek sa robbery sa Bataraza, arestado; baril at umanoy shabu, narekober sa 2 menor

Mabilis na nasakote ng pulisya ang limang (5) suspek sa Robbery o pagnanakaw sa isang negosyante sa Barangay Sandoval Bataraza Palawan.

Ayon ulat ng PNP, nilooban ang bahay ni Harish Aksan mula sa Barangay Sandoval Bataraza bandang ala- una ng umaga nitong Linggo kung saan nakuha ang tinatayang P100, 000.00, gold ring, belt bag, power bank at cellphone.

Matapos mag-sumbong ang biktima sa Bataraza PNP ay agad na nahuli nina PMAJ. DHENIES ACOSTA ang tatlo sa mga suspek sa isang Guest house sa Barangay Pangobilian, Brooke’s Point.

Matapos ma-track ang kinaroroonan ng cellphone ng biktima ay natunton ang kinaroroonan ng tatlong mga suspek na sina James Dengal y Dabdula 29 anyos, Jamil Dawami y Bayani 27 at si Dembranza Sampire y Maludin, 19 anyos.

Narekober sa kanila ang power bank, cellphone, pera at beltbag na pagmamay-ari ng bikitma.

Samantala, ang dalawa nilang kasamahan na sina alyas PhilKenneth at Lanz na parehong 17 anyos ay nasakote ng Narra Police kahapon sa National highway ng Barangay Princess Urduja Narra Palawan.

Base sa report ng Narra PNP, si Lanz at PhilKenneth ay sinubokang bumili ng motorsiklo kagabi pero agad silang nakilala ng awtoridad at hinuli.

Narekober sa dalawang menor ang mga ebidensya tulad ng mga pera, baril, bala, cellphone, kutsilyo, motorsiklo at isang pakete ng umanoy shabu kaya nahaharap sila sa Republic Act 10591 at sa Republic Act 9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *