LEGAZPI CITY – Nakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho ang limang tauhan ng LGU Daraga na sinuspende dahil sa paggamit ng illegal na droga.
Ayon kay Mayor Awin Baldo, ito ay matapos na maisailalim na ang mga ito sa programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Rural Health Unit at Daraga Municipal Social Welfare and Development.
Tatlo dito ay miyembro ng Task Force Quarry habang ang dalawa naman ay mula sa Public Safety Officers (PSO) ng nasabing bayan.
Ani Baldo, ang mga nagpositibo ay mga mild users lang naman at walang criminal record.