5-year rice trade cooperation ng Vietnam at Pilipinas, ikinakasa

Mismong si Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh ang nag rekomenda kay Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa pagkakaroon ng 5-year rice trade cooperation.

Sinabi ito ni Pham sa naging bilateral meeting nila ng Pangulo sa sidelines ng 43rd ASEAN Summit.

Positibo naman ang naging tugon dito ng Pangulo, at sinabing makakatulong ang magiging rice exportation ng Vietnam sa Pilipinas para matiyak na magiging stable ang supply ng bigas sa bansa.

Mababatid na umaabot na sa 1.5 million metric tons ang naiimport na bigas ng Pilipinas sa Vietnam sa unang limang buwan ngayong 2023.

Samantala maliban sa ikinakasang 5-year rice trade cooperation, napag usapan din ng dalawang leader ang patungkol sa fishery at maritime cooperation para mapangalagaan ang kabuhayan ng mga mangingisda ng dalawang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *