50 anyos na lalaki patay matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa nakaparadang truck

CAMARINES NORTE – Idineklarang dead on arrival ng dalhin sa pagamutan ang isang 50-anyos na lalaki matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakaparadang truck

Ang aksidente ay naganap nitong Mayo 25, 2021 dakong alas 8:10 ng gabi sa Barangay Gumamela, Labo, Camarines Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Nelson Lovenario y Español, 50 anyos, isang karpintero, at residente ng P-6 Brgy. Awitan, Paracale, Camarines Norte, minamaneho nito ang isang Sym RCS 125 single motorcycle

Habang ang drayber naman ng nakaparadang Isuzu Forward Truck (aluminum wing van) ay nakilalang si Alexander Ripo y Sanchez, 30 at residente ng Barangay Pag-asa, Labo, Camarines Norte

Sa report ng pulisya, habang ang truck na minamaneho ni RIPO ay nakaparada sa kanang bahagi ng madilim na kalsada ng pinagyarihang lugar  at nagdidiskarga ng mga delivery items nang biglang sumalpok sa likurang bahagi ng nasabing truck ang motorsiklo na minamaneho naman ni LOVENARIO.

Si Lovenario ay nagtamo ng tama sa ulo at agad na dinala sa Talobatib District Hospital ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO Labo subalit ito ay dineklarang dead on arrival ng sumuring doktor

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, napagalaman na ang nakaparadang truck ay walang nakalagay na early warning device at hazard light ng maganap ang aksidente

Sa kasalukuyan,  ang drayber ng truck na si Ripo ay temporaryong nasa pangangalaga ng Labo MPS matapos sumailalim sa physical at medical examination gayundin ang mga sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *