50 karagdagang wheel clamp equipment naiturn over na sa Naga City PSO; mga nasamplelang sasakyan marami kaagad

NAGA CITY – Marami kaagad na mga sasakyan, tulad ng motor, tricycle at iba pa ang nasamplelan ng nasa 50 karagdagang wheel clamp equipment na naiturn over sa Naga City Public Safety Office, kahapon.

Ayon kay Executive Director, Renne Gumba, ng PSO, parte ito ng pagpapa-igting pa lalo ng mga road clearing operation upang mabawasan ang mga traffic congestion sa lungsod lalo na sa Barangay Peñafrancia, Bagumbayan Sur, Sta Cruz at ilan pang barangay o lugar dahil nga sa patuloy na pagdami ng volume ng mga sasakyang pumapasok sa lungsod. Maliban pa riyan nakatakda na ring susunod na darating ang mga CCTV o surveillance camera maging mga traffic lights na matagal na ring nirequest ng opisina.

Una na ring sinabi ni Billy Villete, Traffic Aid II, Ordinance Enforcement Officer, na may mga lugar na bawal pagparkingan ng mga sasakyan lalo na sa may gilid ng Bicol Medical Center, at sa kahabaan na rin ng Ninoy Aquino, Avenue sa may isang kilalang mall sa lungsod at sa iba pang parte lalo na’t walang papalampasin kapag nakalabag sa batas trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *