CAMARINES SUR- 50 na mga kandidato sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections ang napadalahan ng show cause order mula sa Commission on Elections (COMELEC) sa Camarines Sur kasama na ang Naga City dahil sa umano’y premature campaigning.
Sa nakuhang datos ng Brigada News FM Naga sa COMELEC Camarines Sur mayroong 7 sa Libmanan, 17 sa Milaor, 24 sa Naga City habang tig isa ang Garchitorena at Lagonoy.
Sa panayam ng BNFM Naga kay Lagonoy COMELEC Officer Arnel Añonuevo, sinabi nitong ang reklamo ay daraan sa imbestigasyon , grounds aniya ito sa disqualification. Pinaalalahan muli nito ang mga kandidato sa mainland man o sa east at north coastal na alalahanin ang mga napag-usapan sa mga seminar ukol sa nararapat at hindi dapat na gawin ng isang kandidato.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na payag silang isuspinde ang proklamasyon ng nanalong kandidato kapag may merito ang kaso, may ebidensya laban at kung hindi pa mareresolba ang kaso bago mag-eleksyon.