50 patay, mahigit 100 sugatan sa suicide bombing sa Afghanistan

Patay ang tinatayang nasa limampung tao habang mahigit isandaan ang sugatan kasunod ng suicide bomb attack sa isang mosque sa Kunduz city sa Afghanistan.

Sa report, nagkalat ang mga bangkay ng mga biktima sa loob ng Said Abad mosqur na ginagamit ng minority Shia Muslim community.

Inamin naman ng Islamic State na sila ang nasa likod ng nasabing pag-atake kung saan target umano ng Sunni Muslim extremists ang Shias na tinatawag nilang “heretics”.

Napag-alaman na isang IS suicide bombewr ang nag-detonate sa pampasabog na nakalagay sa vest sa kalagitnaan ng mga worshipers sa loob ng mosque.

Sinasabing tutol ang IS-K na affiliate sa IS group sa pamamahala ng Taliban sa kanilang bansa. Itinuturing ng mga otoridad na deadliest assault ang nasabing pag-atake simula nang umalis ang US forces sa Afghanistan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *