Local News

500 households sa Sorsogon City apektado ng amoy mula sa sanitary landfill; CENRO, nanindigang aprubado ng DENR ang operasyon nito

SORSOGON CITY—Umaalma na ang mga residente malapit sa sanitary landfill sa Barangay Buenavista, Sorsogon City dahil sa mabahong amoy na kanilang tinitiis mula sa nasabing pasilidad.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Kapitan Nicanor Ruiz, sinabi nitong aabot sa 500 households ang apektado ng landfill kung saan nangangamba na rin ang mga residente na baka pati ang kanilang water source ay makontamina.

Ayon din sa isang residente na nagpaabot ng reklamo sa Brigada News FM Sorsogon, masakit na sa tiyan ang amoy ng basurahan kaya hangad nila na mabigyan na ito ng agarang aksyon.

Pero ayon kay Kapitan Ruiz, ang City Government ang namamahala sa nasabing pasilidad sa ilalim ng City Environment and Natural Resources (CENRO) kung kaya wala silang magawa sa lebel ng barangay.

Nangako na rin umano and pamahalaang panlalawigan at ang pamahalaang panlungsod na bibigyang solusyon ang kanilang problema at hinihintay na lamang nila ang kongkretong hakbang.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay CENRO head Ronando “Junjie” Gerona nanindigan itong aprubado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon ng sanitary landfill.

Bago anya inilagay ang pasilidad sa lugar ay nagkaroon muna ng konsultasyon sa lahat ng mga apektado at dumaan ito sa proseso bago ang operasyon.

Sa kabila nito ay aminado ang opisyal na hindi naiwasan ang pag-alingasaw ng mabahong amoy dahil sa mahabang panahong pag-ulan pero ito naman umano ay ginagawan nila ng paraan upang hindi makaperwisyo sa mga mamamayan.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago