500 indigent residents, posibleng mabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan ng Camalig Municipal Health Office

LEGAZPI CITY – Aabot sa 500 indigent residents sa bayan ng Camalig, Albay ang psoibleng mabigyan ng Libreng Serbisyong Pangkalusugan ng Municipal Health Office sa darating na Mayo 26.

Isasagawa ito sa Camalig Command Center (CCC) kung saan kabilang sa mga libreng serbisyong ihahatid ay ang dental, optical, medical check-up, blood chem, electrocardiogram (ECG), blood tests at X-ray.

Ito ay sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng Camalig MHO at Albay Provincial Health Office na binubuo ng mga doktor, dentista, nurses at iba pang health care professionals.

Sa ngayon, inaasahan din na ang aktibidad na ito ay makapagbubuklod sa mga tauhan ng tanggapan at lalawigan upang makapagbigay ng mga ekipahe, supply at dekalidad na serbisyo sa mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *