500 reading booklets sa bawat paaralan, target ng Deped Sorsogon sa ilalim ng programang “Kada Sorsoganon Bida sa Pagbasa”

Binigyang diin ng Department of Education (DEPED) Sorsogon Division Office na mas lalo nilang tututukan ang usapin sa reading comprehension ng mga mag-aaral sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na mga babasahin sa mga estudyante.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay Division Reading Coordinator Michelle Rubio sinabi nito na target nila na mabigyan ng tig- 500 reading booklets ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan sa ilalim ng programang “Kada Sorsoganon Bida sa Pagbasa” na may layuning mahikayat ang mga kabataan na maglaan ng oras sa pagbabasa ng mga libro at mailayo ang mga ito sa labis na paggamit ng mga gadgets.

Binanggit din ng opisyal na sa ngayon ay mayroon na silang mahigit sa 21,000 reading booklets na donasyon ng mga stakeholders at patuloy pa umano itong nadadagdagan kung kaya’t panawagan ng opisyal sa mga guro at magulang na bigyang prayoridad ang pagbabasa ng kanilang mga mag-aaral dahil ang nasabing programa ay hindi parin magiging epektibo kung hindi rin masusuportahan ng mga magulang at mga guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *