50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine, darating sa bansa bukas

Nakatakdang dumating sa bansa bukas ang 50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula Russia. 

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, darating ang mga bakuna lulan ng Qatar Airways. 

Inaasahang darating ang shipment ng alas 11:00 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Agad dadalhin ang mga bakuna sa Pharmaserv Warehouse sa Marikina City bago ito ipamahagi sa iba’t-ibang lugar sa bansa. 

Mababatid na ito na ang ikatlong batch ng Sputnik V na darating sa Pilipinas.

Moong May 1, dumating ang unang 15,000 doses ng nasabing bakuna na sinundan noong May 12 na 15,000 doses. 

Sa ngayon, umabot na sa walong milyong doses ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas, limang milyon dito ay mula sa Chinese firm na Sinovac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *