Bulkang Taal, zero volcanic quakes sa loob ng dalawang araw – Phivolcs

BATANGAS – Tahimik at walang naitalang volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa loob ng magkasunod na dalawang araw.

Ayon sa Taal Volcano Network, sa nakalipas na 24 oras ay zero o hindi sila nakapagtala ng pagyanig sa bulkan simula noong Mayo 5 hanggang Mayo 6, ngayong araw.

Ngunit, patuloy naman umanong naitatala ang mga low-level background tremor sa bulkan.

Kahapon ay namataan ang mahinang pagsingaw na may taas na limang metro, mula sa mga fumaroles o gas vents sa Main Crater.

Samantala, patuloy na nakakapagtala ng marahan na pamamaga ng kalakhang Taal magmula pa nang ito ay sumabog noong Enero 2020.

Nasa Alert Level 2 pa rin ang bulkan kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI). | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *