Local News

51 kaso ng hand foot and mouth disease naitala sa bayan ng Banga

KORONADAL CITY- NAKATAPAGTALA ng 51 kaso ng hand foot and mouth disease o HFMD ang 15 na mga barangay mula sa 22 na barangay ng Banga, South Cotabato.

Ayon kay Joseph Franco, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan, karamihan sa mga pasyente ang mga estudyanteng mula sa Rizal ng Barangay Poblacion, Malaya at ng Barangay Punong Grande.

Dagdag pa ni Franco, na kadalasan makikita ang HFMD sa mga batang edad 1-10 taong gulang o mga batang nasa elementarya.

Agad namang nagsagawa ng disinfection ang pamunuan ng MDRRMO sa bawat silid aralan ng mga apektadong paaralan ng nasabing bayan.

Isinailalim naman sa isolation sa kanilang mga pamamahay ang mga pasyente sa loob ng 5-10 araw.

BNFM Koronadal

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago