51 na bangka, ipinagkaloob sa mga mangingisda sa bayan ng San Vicente

Pinagkalooban ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente ng tag-iisang bangka ang limampu’t isang (51) mangingisda sa Barangay Port Barton San Vicente, Palawan.

Ito ay ipinagakaloob kahapon sa mga kwalipikadong mangingisda na lubhang naapektuhan ng bagyong “Odette” noong Disyembre 2021.

Ang pamamhagi ng mga bangkang pangisda ay inisyatibo umano ng Papal Charities-Vatican at sa pakikipag tulungan na din ng LGU.

Samantala, isinabay ang pamamahagi ng sasakyan sa pagdiriwang ng kapiyestahan ng San Isidro Labrador sa nabanggit na Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *