51 QC residents na dumalo sa pool party, nagpositibo vs COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang nasa 51 residente sa Quezon City na dumalo sa isang pool party sa Barangay Nagkaisang Nayon.

Una nang kinumpirma ni Mayor Joy Belmonte ang improvised pool party at drinking session na nangyari sa naturang barangay sa kabila ng pag-obserba sa mahigpit na general community qurantine protocols na nagbabawal sa mass gatherings.

Ayon naman sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 610 ang kabuoang residente na dumalo sa party ang isinailalim sa swab, kung saan ang 18 katao ay hinihintay pa ang resulta, habang may 31 naman na ipinasok na sa isolation facilities.

Mababatid na ang kumunidad kung saan nangyari ang event ay isinailalim sa lockdown simula noong May 14.

Samantala, naglabas na ang City Legal Department ng show-cause order kay Barangay Chairperson Feliciano dela Cruz, alinsunod sa kautusan ni Belmonte para maimbestigahan ang mga kinauukulang barangay officials.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *