510 na mga gurong magiging electoral board sa COMELEC Sipocot para sa barangay at sk election, under finalization pa

NAGA CITY – Halos kompleto na ang 510 mga Gurong kailangan ng Commission on Election Sipocot, Camarines Sur na magiging mga Electoral Board para sa paparating na Barangay at SK Election.

Ito ang napag-alaman kay Crisostomo Plopinio, Election Officer 3 ng COMELEC Sipocot.

Kung saan under finalization pa ang mga ito upang tiyakin na walang magiging konektado o relasyon sa mga tatakbong kandidato nang maiwasan ang mga posibleng dayaan o problema.

Marami na ring pumupuntang tatakbong kandidato para kumuha ng Certificate of Candidacy form na sa August 28 na ang simula ng filling nito. Nagbaba na rin sila ng iba pang mga form sa Barangay upang doon na rin kumuha ang iba.

Nasa 63, 042 ang registered voters sa bayan, 44, 855 sa Barangay at 18, 187 naman sa SK.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *