52 new delta variant cases, naitala sa Region 2

Panibagong 52 na kaso ng delta variant ang naitala sa lambak ng Cagayan.

Batay sa datos ng Department of Health, 22 ang galing sa lalawigan ng Isabela na binubuo ng 10 ang mula sa Santiago City, Jones (1), Quezon (1), Ramon (1), San Agustin (3), San Isidro (1), San Manuel (1), San Mateo (3) at Santo Tomas (1). 

Ayon pa sa kagawaran, dalawang kaso mula sa San Mateo at San Isidro ang nasawi habang ang iba pa ay fully recovered na.

Napag-alaman din na isa pang kaso mula sa Echague, Isabela na isang ROF ang tinamaan ng delta variant na ngayon ay nakarekober na rin.

Samantala, ang lalawigan naman ng Cagayan ay nakapagtala ng 12 delta variant cases kung saan 3 ang mula sa Alcala, 1 sa Aparri, 4 sa Baggao, 3 sa Iguig at isa naman sa Tuguegarao City.

Ang lalawigan naman ng Nueva Vizcaya ay nakapagtala ng 10 kaso na binubuo ng 2 cases mula sa Aritao, tig-iisa sa mga bayan ng Bagabag, Bambang, Dupax Del Norte at Kasibu habang apat naman na kaso sa Bayombong.

Sa Quirino Province ay mayroong 8 na naitalang delta variant cases kung saan 3 sa Diffun, 1 sa Cabarroguis at tig-2 sa Aglipay at Maddela.

Kinumpirma naman ng DOH na local cases ang mga naitalang kaso sa rehiyon at pawang mga nakarekober na mula sa naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *