5,257 new COVID-19 cases; Active tally, 52,132 pa

Sumipa pa sa 1,240,716 ang kabuoang bilang sa kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, matapos maitala ang 5,257 na mga bagong infections.

Ito na ang ikawalong sunod-sunod na araw kung saan mahigit 5,000 na mga bagong kaso ang naitatala.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa tatlong laboratoryo na bigong makasumite ng datos.

Dahil dito, kinumpirma ng DOH na nasa 52,132 pa ang active cases, kung saan 93.1% ang mild, 2.3% ang asymptomatic, 1.9% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ng ahensya ang 6,266 pang bagong pasyente na nakarekober mula sa respiratory illness, dahilan para tumaas sa 1,167,426 habang kabuoang recoveries, habang 146 ang naitalang bagong fatalities, dahilan para umakyat ang death toll sa 21,158. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *