53 patay matapos lumubog ang bangka sa Nigeria

Patay ang limampu’t tatlong tao habang marami ang nananatiling missing matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa Kebbi state sa northwestern Nigeria.

Ayon sa report, overloaded ang bangka kung saan tinatayang nasa 150 ang kabuuang sakay nito.

Kinumpirma naman ni Abdullahi Buhari, Chairman ng Ngaski Local Government Area sa Kebbi na nailigtas sa insidente ang 22 tao at na-discharged na mula sa pagamutan.

Sa inisyal na ulat, umalis ang bangka sa Borgu district patungong palengke sa kalapit na Kebbi nang mangyari ang sakuna

Nangangamba naman ang mga otoridad na tataas pa ang bilang ng mga nasawi habang hindi pa tapos ang search and rescue operations.

Malakas ang paniniwala ng mga otoridad na ang overloading ang dahilan ng paglubog ng bangka na dahilan para muling paalalahanan ng mga kinauukulan ang mga boat owners na huwag lalampas sa kapasidad ang mga isasakay na pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *