5,310 new COVID-19 cases; 46,037 active tally, pinakamababa sa 2 buwan

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 5,310 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang kabuoang infections sa 1,193,976.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa apat na laboratoryo na bigong magsumite ng kanilang datos.

Ayon sa DOH, bumaba ang bilang ng mga active cases sa bansa sa 46,037, na pinakamababa simula noong March 11, kung saan 92.5% ang mild, 2.1% ang asymptomatic, 2.2% ang severe, at 1.7% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang total recoveries naman ay umakyat sa 1,127,770, matapos maitala ang 7,408 pang pasyente na nakarekober mula sa naturang sakit, habang 150 ang mga bagong fatalities na naidagdag dahilan para tumaas ang death toll sa 20,169. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *