54-anyos na babae sa Indonesia, patay matapos kainin ng dambuhalang sawa

TAKOT ang namayani ngayon sa mga mamamayan ng Jambi Sumatra, Indonesia makaraang matuklasan na ang nawawalang 54-anyos na ginang na kinilalang si Jarah ay matagpuang wala ng buhay mula sa loob ng tiyan ng isang ‘giant python’.

Kwento ng mga kaanak ng biktima, tumungo lamang sa pingta-trabahuhang rubber plantation ang biktima nitong October 21 ngunit labis nilang ipinagtaka na hindi na ito bumalik pa sakanilang bahay.

Sa isinagawang search and rescue operation ng mga otoridad, tanging mga gamit katulad ng jacket, scarf at sapatos na lamang nito ang kanilang natagpuan.

Makaraan ang ilang araw, isang ‘reticulated python’ na may habang aabot sa 22 talampakan ang kanilang natagpuan na tila may malaking hayop na nilapa sa laki ng tiyan.

Naghinala ang mga otoridad na posibleng may kinalaman ang sawa sa pagkawala ni Jarah, at hindi nga nagkamali ang mga ito makaraang patayin ang sawa at buksan ang kanyang katawan.

Buo pa ang bangkay ng biktima na positibong kinilala ng kanyang mga kaanak.

Mas lalong nangangamba ngayon ang mga residente sa lugar dahil sa bali-balitang may isa pang dambuhalang sawa na mas malaki sa nahuling kumain sa biktima ang gumagala sakanilang komunidad.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *