55 pamilyang inilikas sa banta ng bagyong karding sa Camarines Sur nakauwi na

NAGA CITY- Nakauwi na ang 55 na pamilyang inilikas sa Camarines Sur dahil sa banta ng Bagyong Karding nitong nagdaang weekend.

Ang mg bayang nakapagtala ng evacuees ay ang Lupi, Tinambac, Magarao, Calabanga at Goa ; sa mga bayang ito Calabanga ay may maraming nairecord na 25 pamilya o 94 indibidwal.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Danny Abalayan, sinabi nitong nagdoble ingat sila sa pagguho ng lupa dahil sa ulang dala ng nasabing bagyo kaya marami ay mula sa landslide prone areas.

Hindi naman nakipagmatigasan ang mga residente kahit batid nilang malayo ang bagyo dahil ipinag utos ng gobyernador ang force evacuation at nakapalaman din sa ordinansa ng bayan na may penalidad ang makikipagmatigasan sa pagpapalikas.

Samantala, maikling panahon man nanatili, ang mga evacuees ay nabigyan ng relief goods.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *