Pinagtibay ng House of Representatives ang panukalang batas na layong maibaba sa 56 taong gulang ang optional retirement age sa gobyerno mula sa kasalukuyang 60 taon.
Ang panukalang House Bill No.206 ay nakatanggap ng 268 affirmative votes sa isinagawang nominal voting at lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa.
Aamyendahan nito ang Section 13 ng Republic Act 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang panukalang batas ay magbibigay sa mahigit isang milyong manggagawa na maenjoy ng mas maaga ang kanilang buhay kasama ang pamilya dahil sa maagang pagreretiro.
Hangarin din ng panukala na gawing mabilis ang turn over ng mga posisyon sa pamahalaan para mabigyang pagkakataon ang mga batang professionals na makahawak din sa mga matataas na pwesto.
Kung ibababa sa 56 ang retirement age ng mga kawani ng gobyerno, magkakaroon din ng mas maraming employment opportunities sa mga nais na magtrabaho sa pamahalaan.//CA