56 pamilya sa Cagayan, pwersahang inilikas dahil sa Bagyong Goring

Pwersahang inilikas ang 56 na pamilya o 159 na mga indibidwal sa Alcala, Cagayan dahil ang mga pag-ulan ng Bagyong Goring ay nagdulot ng bitak sa water impounding station.

Ayon kay Mines and Geosciences Bureau (MGB) supervising geologist Marinel Monteclaro, panatilihin munang nakalikas ang mga residente sa Cagayan hanggang matiyak na ligtas ang lugar.

Sinabi naman ni Cagayan Disaster Risk Reduction and Management Officer Ruelie Rapsing, inaasahang bababa sa probinsya ang tubig mula sa Nueva Vizcaya, Quirino, at Isabela.

Sa ngayon, mino-monitor na ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang lebel ng tubig sa Cagayan River dahil maaaring umapaw ang ilog partikular na sa Tuao, Amulung, Alcala, Piat, PeƱablanca, at Tuguegarao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *