5,828 new COVID-19 cases naitala; Active case count nasa 50,526 pa

Naitala ng Department of Health ang 5,828 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan para tumaas pa ang bilang ng active cases sa 50,526, mula sa 1,530,266 na kabuoang COVID-19 infections.

Pero ayon sa DOH, ang mga naitalang bagong kaso ay posibleng walang updated data entries, dahil sa technical issues sa COVID Kaya at sa manual solution na ipinatupad bilang contingency measure.

Ayon sa ahensya, iniimbestigahan na ang naturang isyu at ang resolusyon ay inaasahan sa susunod na mga araw.

Samantala, naitala naman ang 3,257 pang recoveries, dahilan para tumaas ang recovery count sa 1,452,813, habang 17 pang pasyente ang nasawi, kaya umakyat ang death toll sa 26,891.

Hindi naman kasama sa bilang na ito ang resulta mula sa limang laboratoryo na bigong makasumite ng datos on time. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *