59 NA KATAONG NAGMAMAY-ARI NG PANCITERIA SA TUGUEGARAO CITY, SUMAILALIM SA PAGSASANAY

Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay hinggil sa Safety and Product Standardization ang nasa 59 na indibidwal na nagmamay-ari ng panciteria at miki processors sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa Department of Trade and Industry Region 2, inisyatibo umano ng ahensya katuwang ang Local Government Unit ng Tuguegarao City ang pagkakaroon ng nasabing pagsasanay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili lalo pa’t kilala ang lungsod sa pagbebenta ng Pancit Batil Patong.

Ang naturang pagsasanay ay malaking tulong sa mga nagmamay-ari ng panciteria upang malaman ang mga hakbang sa pagpapanatili ng malinis na ibinebentang pancit maging ng mga hindi pa nalutong noodles nito.

Kabilang sa ipinaliwanag ng DTI ay ang standard sanitation and hygiene practices para sa safe food handling and processing kung saan kailangan ring sumunod ang mga ito sa Philippine National Standards.

Tiniyak naman ng LGU-Tuguegarao City ang agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Panciteria owners sa lungsod upang mapalakas ang kanilang industriya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *