59 patay sa suicide bombing sa Pakistan

PAKISTAN – Patay ang 59 tao kasunod ng suicide bombing na sinasabing tumarget sa mga pulis na nagdadasal sa mosque sa Peshawar.

Kasalukuyan pang ginagamot ang 157 na taong sugatan sa insidente. Kaugnay nito, sinabi ni Prime Minister Shahbaz Sharif na nakikita nilang target ng mga terorista na magdulot ng takot sa pamamagitan ng pagtarget sa mga otoridad na naatasang depensahan ang kanilang bansa.

Kinumpirma ni police chief Muhammad Ijaz Khan na nasa 300 hanggang 400 na mga police officers ang nasa lugar nang mangyari ang krimen.

Mariin namang itinanggi ng Pakistani Taliban ang anumang involvement nila sa latest bombing.

Matatandaan na patay din ang 33 militants nang bombahin ang police station sa North-West ng Pakistan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *