5K ayuda nakatakda nang tanggapin ng mga bagong panganak sa bayan ng Castilla

Nakatakda nang tanggapin ng mga bagong panganak sa bayan ng Castilla ang kanilang P5K ayuda mula sa ‘Simula at Katapusan’ sa ilalim ng Kalusugan Program ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang nasabing pinansyal na tulong ay para sa mga ilaw ng tahanan na nag-apply sa nasabing programa at nanganak noong Setyembre hanggang Disyembre 2022 at Enero 2023.

Ang distribusyon ay isasagawa sa araw ng Lunes Pebrero 27, 2023, ganap na 8:30 ng umaga sa LGU Castilla Lobby.

Inaabisuhan naman ang mga benepisyaryo na dalhin ang kanilang Cedula habang kailangan namang magpresenta ng authorization letter at ID ng benepisyaryo kung kamag-anak o kapamilya ang magki-claim ng nasabing financial assistance.

Lahat naman ng mga nanay na nanganak din sa nasabing peryodo at nakapag-apply na sa programa subalit wala pa sa listahan ay pinapayuhang maghintay lamang sa susunod na batch ng pamamahagi ng nasabing tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *