5th Anniversary ng Marawi Liberation, inalala

Inilunsad ng Philippine Army o Hukbong Katihan ng Pilipinas ang serye ng mga programa bilang pag-alala sa ikalimang taong anibersaryo ng Marawi Liberation sa Lunes.

Ngayong araw ng Sabado, pinangunahan ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. ang paglulunsad ng exhibit at mga dokumentaryo para alalahanin ang sakripisyo ng mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Marawi.

Matatandaang si Brawner ang tagapag-salita noon ng Task Force Ranao, ang unit na nakatutok sa Marawi Siege.

Nakatakda namang magkaroon ng magkakasabay na aktibidad sa Lunes sa ground zero sa Marawi City, at sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Magkakaroon din ng pag-aalay ng bulaklak sa Libingan ng mga Bayani.

Tumagal ng limang buwan ang bakbakan matapos ang ginawang operasyon laban kay ISIS-Southeast Asia Emir Isnilon Hapilon.

Matapos ang operasyon, nadiskubre ang grupo na pinangungunahan ng magkapatid na Maute na sina Omarkhayam at Abdullah.

October 17, 2017 nang pormal na na-liberate ang Marawi mula sa mga miyembro ng Abu Sayyaf at Maute group.

Aabot sa halos 1,200 na mga buhay ang nasawi mula sa bakbakan. Kabilang na rito ang buhay ng 168 na mga pulis at sundalo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *