6 bahay at establishment nasunog sa port ng Tinambac, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nangangalit na lumalagablab na apoy ang nagpaliwanag sa madilim na madaling araw at gumising sa mga residenteng natutulog pa sa Tambang, Tinambac Camarines Sur alas-tres nitong Lunes Hulyo 1, 2024.

Nagbayanihan ang mga residente upang maapula ang sunog.

Rumisponde ang BFP Tinambac, Goa, Calabanga at Lagonoy, pero ang lahat ng pagtutungan ng mga tagapamatay sunog at mga residente ay natalo ng puwersa ng apoy. Gawa sa light materials ang bahay at may tindang mga gamit na plastic ang commercial establishment kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot din sa punto na kumuha na ng tubig dagat dahil naubusan na ang tubig ang fire truck. Walang nagbuwis ng buhay sa pangyayari pero naabo ang mga paninda at mga gamit sa bahay.

Nanawagan ng tulong ang mga pamilyang nasunugan.

Ayon kay SFO3 Damaso Boncodin III ng Tinambac BFP, nag overheat na electricfan sa isa sa mga bahay ang nakikitang posibleng dahilan. ₱1-Milyon ang inisyal na pinsala.

Hirit ng mga residente sa lugar pagbigyan ang hiling nilang substation upang mabilis ang responde. Ayon sa BFP, 18 kilometro ang layo nila sa naturang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *