KORONADAL CITY- NANANATILI sa red zone o infected zone ng African Swine Fever o ASF ang anim na mga local government units o LGU sa lalawigan ng South Cotabato.
Ito ay batay sa ipinalabas na ASF Zoning Status ng Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry o BAI noong January 12, 2023.
Kabilang sa red zone category ang Banga, Norala, Surallah, Tantangan, Sto.Niño at Koronadal City.
Samantala, nananatili naman sa pink zone o buffer zone category ang Tampakan, T’Boli, Tupi, at Lake Sebu.
Sa ngayon, ang bayan ng Polomolok na lamang ang nasa dark green zone at ligtas sa ASF.
