Arestado ang anim na hinihinalang miyembro ng kidnap for ransom group habang nasagip naman ang isang Chinese national na kidnap victim sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan sa Parañaque City, Biyernes ng gabi.
Ayon sa report ng kapulisan nagpasaklolo sa mga otoridad kagabi ang chinese na si Ziang Guang Lin kasama ang Malaysian national na si Ko Pai Zou para ireport ang umanoy pagkidnap sa kanilang kasamahan na si Lai Le le.
Agad naman kumilos ang mga alagad ng batas at sa kanilang operasyon natagpuan nila ang biktimang nakagapos ang mga kamay sa ika-19 na palapag sa isang building sa Don Galo sa Parañaque.
Hindi na nakapalag ang dalawang Chinese at apat na mga pilipinona naabutan sa lugar at sinasabing kabilang sa kidnap for ransom group.
Kinilala ang mga suspek na sina Chen zie duan, zhen lian sheng, habang ang apat na pinoy ay sina Joseph Cardona, Benedicto Manicad, Rafael Nilanag at Nila Bagtas na agad dinala sa Parañaque police station para sa kaukulang disposyon.
Sa nagsasagawa pa ng follow operation ang mga otoridad para mahuli ang iba pang kasabwat ng mga suspek.
Na-rescue sa mga sakop sa Coast Guard District Southeastern Mindanao ang duha ka indibiwal nga…
Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer…
Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi…
Hindi bababa sa sampu ang nasawi sa katimugang estado ng Rio Grande do Sul ng…
Patay diha-diha dayon ang usa ka lalaki human gipauwanan kinig bala kay matud pa wala…
Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa…