NAGA CITY- Arestado ang anim na dayong mga ginang matapos na mag shoplift sa bagong bukas na shopping center sa Diversion Road , Naga City.
Sa sumbong ng Merchandising Manager bandang alas 8:35 gabi nitong Hulyo 27 nang mangyari ang insidente, nakatanggap ito ng ulat mula sa Internal Security Department, nakita sa CCTV ang mga kaduda-dudang galaw ng mga babae at minonitor na.
Nakita ang paglalagay ng mga produkto sa handbags, binantayan sa footage kung mag-babayad ang mga ito pero hindi pumunta sa cashier sa halip ay lumabas ng establishment.
Ang mga suspek na 43 hanggang 60-anyos ay napag-alaman na mula pa sa Malabon at Pasay.
Ang mga ito ay nasa himpilan na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.