6 hinihinalang holdaper patay matapos makipag-barilan sa mga pulis sa Antipolo

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng anim na hinihinalang holdaper na nasawi matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Antipolo City kaninang umaga.

Batay sa inisyal na ulat ng Antipolo Police tinangka umano ng grupo na holdapin ang isang gasoline station pasado ala-una ng madaling araw.

Tiyempo naman dumadaan ang mga nagpapatrolyang police kung saan nagkaroon pa nang habulan.

Pinaputukan umano ng mga holdaper ang mga rumerespondeng pulis at pagdating sa Marcos highway dito na nasukol ang mga suspek.

Narekober sa crime scene ang iba’t -ibang uri ng armas pati na ang mga bala na ginamit ng mga salarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *