6 na lugar sa SoCot, may special allocation ng Covid-19 vaccine

KORONADAL CITY — LIMANG bayan at isang lungsod sa South Cotabato ang nakatanggap ng special allocation ng Covid-19 vaccine dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Kinabibilangan ito ng bayan ng Polomolok at Tampakan na nakatanggap ng tig-500 vials habang tig-400 vials naman sa mga bayan ng Sto. Nino, Norala at Lake Sebu.

Ang lungsod ng Koronadal ay nakatanggap naman ng 2,500 vials.

Pinaghatiian naman ng mga bayan ng Tupi, Tantangan, Surallah, Tboli at Banga ang 250 vials.

Ang nasabing mga bakuna ay bahagi ng 5,700 vials na dumating sa South Cotabato mula sa Department of Health o DOH Region-12 na inilaan sa mga frontline healthcare workers, senior citizens at persons with comorbidities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *