6 na mga suspek sa mga sabungero – nakatakda nang sampahan ng kasong kidnapping

Nakatakda nang sampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang anim na mga suspek na tinuturong sangkot sa pagkawala ng ilang mga sabungero.

Ayon sa Department of Justice, nakahanda na ang mga kasong isasampa laban kina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano Jr. para sa anim na counts ng mga nabanggit na reklamo.

Hinggil ito sa pagkawala ng mga biktimang sina John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco at Rowel Gomes.

Sa ulat, umalis umano ang anim na mga biktima sa Tanay Rizal noong Enero para sumali sa isang 6-cock stag derby sa Manila Arena.

Ang kaso, pinilit umano silang sumakay sa isang gray na van at mula noon ay hindi na sila nakita pang muli.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *