6 na notoryus na miyembro ng ‘budol-budol’ nasakote; SCPS nanawagan sa iba pang mga biktima na lumabas at magsampa ng reklamo

Nanawagan ngayon ang Sorsogon City Police Station (SCPS) sa iba pang nabiktima ng nasakoteng anim na miyembro ng ‘budol-budol gang’ na lumabas at magsampa ng reklamo sa kanilang himpilan.

Kinilala ang mga suspek na sina FERNANDO VILLARINO ESPADA, 30-anyos, binata, Sound System operator at naninirahan sa  Brgy. Muzon, San Jose, Bulacan; CHRISANTO LAPUZ CONAHAP, 58 –anyos, magsasaka; JENNY DIZON TORRES, 35-anyos, tindera ng isda; CHESKA NAHIAL RIVERA, 39-anyos, biyuda; RYAN LAPAZ TORRES, 36, binata, mechanic  at BELA ABES CRUZ, 37-anyos, lahat residente ng Malabon City.

Una rito, ang mga suspek ay nahuli ng personahe ng SK3 dahil sa traffic violation, maliban pa sa na-monitor ang mga ito sa CCTV na pagala-gala sa sentro ng lungsod.

Dakong alas 3:00 ng hapon noong Sabado nang humingi ng tulong sa SK3 ang may ari ng isang establisamiyento na isang Chinese national, na ang kanyang dalawang cellphone ay nawala matapos na pumasok ang mga suspek sa kanyang tindahan.

Sa pamamagitan ng CCTV ay naharang ang mga suspek sa Brgy Cogon, Almendras, Sorsogon City ng pinagsamang puwersa ng city PNP at SK3.

Nabatid na ang dalawang suspek na sina Espada at Torres ay nahuli na rin noong nakaraang taon, sa parehong kaso sa Luna, Surigao City sa Surigao Del Norte.

Ang operasyon ng grupo ay pagnanakaw sa mga tindahan at malls at dinadaan sa ‘budol-budol’ ang kanilang modus operandi (MO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *