Local News

6 na sakay ng bangka sa Balabac tinulongan ng Coast Guard District Palawan.

Sinagip ng Coast Guard Station Balabac ang anim na pasahero o sakay ng isang bangka sa karagatan ng Brgy.  Ramos, Balabac, Palawan.

Ayon sa ulat ng Coast guard District Palawan, nitong ika-7 ng Hunyo 2021 bandang 7:40 ng umaga, habang nagsasagawa ng maritime patrol na gamit ang Aluminium Boat (AB-80), nakita ng mga tauhan ng Coast Guard Station Balabac ang isang hindi pinangalanang motorbanca na nakatigil sa dagat kasama ang pamilya na may anim (6)  sakay na humihingi ng tulong .

Agad na tumugon ang Search and Rescue (SAR) at tinulungan ang mga pasahero sa pamamagitan ng paglipat sa kanila sa AB-80.

Ayon sa kapitan ng bangka, dakong 6:00 ng umaga nitong ika-7 ng Hunyo ay  umalis sila sa Brgy.  Ramos, Balabac, Palawan papunta sana sa Sitio Matangule, Brgy.  Bancalaan ngunit habang  papunta ay hindi nila napansin ang piraso ng kahoy na tumama sa propeller kaya tumigil ang bangka sa tubig.

Ligtas na ipinadala ng Coast guard  ng SAR ang 6 na pasahero na sina: Arnel Ieniego, 51;  Vironica Ieniego, 35;  Charee Ieniego, 12;  Epoy Ieniego, 9;  Lalaine Ieniego, 8;  at Darren Ieniego, 6, sakay ng AB-80 at hinila ang kanilang bangka sa Sitio Matangule kung saan nakatira ang pamilya.

📷Coast Guard District Palawan

BNFM Palawan

Recent Posts

Umano’y sub-leader ng Daulah Islamiyah, patay sa engkwentro sa Lanao del Norte

Patay sa engkwento ang isang sub leader ng Daulah Islamiyah at apat niyang tauhan sa…

2 mins ago

Pagkakaroon ng 4-day work week – ipauubaya na ng DOLE sa mga employer

Isang prerogatibang hakbang umano sa mga kumpanya ang pagpapatupad ng 4-day workweek. Ito ang sinabi…

2 mins ago

MMDA enforcer, nakipagpatintero sa SAICT matapos sitahin sa pagdaan sa EDSA Busway

Lakas-loob na nakipag patintero ang isang tauhan ng MMDA para takasan ang mga tauhan ng…

5 mins ago

MRT3, maghahandog ng libreng sakay para sa manggagawa sa labor day

Maghahandog ang MRT-3 ng LIBRENG SAKAY para sa mga manggagawa sa May 1, bilang pagdiriwang…

6 mins ago

Expanded number coding scheme, suspendido sa May 1

Abiso sa mga motorista. Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded…

6 mins ago

April inflation – maglalaro sa 3.5 -4.3% ayon sa BSP

Posibleng pumalo sa 3.5 hanggang 4.3% ang inflation sa buwan ng Abril. Ito ang iniulat…

7 mins ago