6 na suspek sa pagpatay kay Abby Choi, humarap sa korte

Humarap sa Hong Kong court ang anim na suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa Hong Kong socialite at model na si Abby Choi.

Kabilang sa humarap sa pagdinig ang dating asawa ni Choi na si Alex, kanyang kapatid na si Anthony Kwong at ang kanilang 65-anyos na ama na si Kwong Kau na nahaharap sa one count of murder.

Tatlong bagong testigo rin ang iniharap ng prosekusyon sa korte , kabilang ang ina ng biktima at ang kanyang mga biyenan.

Ibinunyag din ng prosekusyon na ang bloodstains na nakita sa kotse ng dating bayaw ni Choi ay tumugma sa DNA ng biktima

Samantala, patuloy ang ginagawang DNA testing sa 30 pang mga narekober na bagay kabilang ang kutsilyo, chainsaw at martilyo na nakuha mula sa bahay ni Choi.

Ang susunod na pretrial hearing ay magaganap sa July 31.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *