6 patay nang malunod sa San Jose Camarines Sur nitong Sabado De Gloria

CAMARINES SUR- Nauwi sa trahedya ang pagswimming o outing ng mag-kakaanak, patay ang  6 katao matapos na malunod sa San Jose Camarines Sur nitong Sabado De Gloria, Abril 8, 2023.

Kinilala ang mga biktima na sina:

Rizza Hermosa, 17-anyos; Jhona Hermosa, 17 -anyos; Ashley Rose Hermosa, 16-anyos;  Rhea Pino, 18-anyos lahat residente ng Brgy. Catagbacan, Goa, Camarines Sur;  mga pinsan na sina Rafael Pino, 18-anyos at kapatid na si Regail, 16-anyos na mga residente ng Naga City.

Habang survivor naman si “Jean” 12-anyos.

Sa ulat ng PNP , bandang alas 9:30 nitong Sabado sa Dolo, San Jose nakita na lamang ni Gilbert Cea ang dalawa sa mga anak niya at mga kasama na inaanod at nalunod na,  daan upang humingi siya ng rescue.

Isinalaysay nito kay Coun. Audie Concina na ilang beses din siyang nagpaalala.

Sa pinag-isang puwersa ng  Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection , San Jose Municipal Police Station at iba pa nagsagawa ng search and rescue operations at dinala sa ospital ang mga nabanggit pero binawian na ng buhay. Isa naman ang nakaligtas , habang ang isa ay huling nakuha.

Ayon kay Mayor Jerold Peña, ikinalulungkot nila ang pangyayari, nagkailang beses aniya silang nag abiso ng pag-iingat lalo na sa mga hindi pamilyar sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Rommel San Andres sinabi nitong hindi resort ang pinangyarihan, inabisuhan na rin ng mga opisyal na huwag doon maligo dahil sa lakas ng agos.

Samantala , sa Pasacao naman nalunod ang 8-anyos na batang si  Rommel Bagadiong, ng Barangay San Cirilo pasado ala-una ng hapon nitong Linggo ng Pagkabuhay. Ayon kay CPO Emerson Libreja ng Philippine Coast Guard- Pasacao, nakita ito ng mga kaanak na wala nang malay sa dagat, may nakapag CPR at BVM, pero wala nang pulso at hindi na humihinga. Dinala sa Bicol Medical Center sa Naga pero hindi na umabot pa ng buhay.

Bago ang mga ito naka Red Alert Status ang lalawigan nitong Abril 2 , nagpalabas din ng memorandum si Governor Luigi Villafuerte ng pagpapalala sa pagsunod sa  “Guidelines for Safety and Security Requirements of Coastal and Beach Resorts and Vessels with Pool Facilities, including Qualifications and Requirements of Lifeguards for the Promotion of Life at Sea.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *