6 persona arestado dahil sa ilegal na pagsusugal sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Huli ang anim na kalalakihan   kahapon dahil sa ilegal na pagsusugal sa bayan ng Daraga Albay.

Unang naaresto sa Purok 4, Malobago Relocation Site, Brgy. Anislag ng Daraga, Albay ng mataaktohan ang mga ito na naglalaro ng tong its sina Sonny Madridano Llenarezas, 66 anyos residente ng Purok 4, Malobago Relocation Site, Brgy. Anislag, Alfredo Lita Deinla, 34 anyos, helper, residente ng Purok 6, Brgy. Mayon at si Ruben Nocos Campana, 42 anyos, construction worker, residente ng Purok 9, Brgy. Tagas ng nasabing bayan.

Narekober sa mga ito ang isang set baraha at pera na ginamit sa pagsusugal.

Samantala,  inaresto rin sa nasabing barangay sina Arnel Loñosa Mediavillo, 39 anyos, tricycle driver, residente ng kaparehong barangay, Edgardo Espinas Mapa, 52 anyos, vendor, residente ng Purok 5 ng nabanggit na barangay, t si Brizon Nocos Campana 44 anyos, driver, residente ng Purok 9, Brgy. Tagas, Daraga Albay.

Ayon report, nagsagawa ang mga awtoridad ng Anti-Illegal Gambling Operation sa nasabing lugar kung saan naabotan ang mga ito na naglalaro ng baraha na naging dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Narekober din sa kanila ang baraha at pera sa ginamit na pagsusugal.

Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang dadalhin muna sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisn

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *