6 sanggol sa Bicol, nasawi sa COVID-19 mula nang magkaroon ng pandemya – DOH

LEGAZPI CITY—Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na mayroon nang anim na mga sanggol ang nasasawi sa rehiyon dahil sa COVID-19 mula nang magkaroon ng pandemya.

Ayon kay Dr. Aurora Teresa Daluro, Chief Regional Epidemiologist ng nasabing tanggapang, nag-eedad isang taong gulang pababa ang mga ito na kinabibilangan ng apat na sanggol na lalaki at dalawang babae.

Nakapagtala ang Camarines Sur at Albay ng tig dalawang casualty habang tig isa ang Masbate at Sorsogon.

Posible umanong nahawa ang mga ito sa pamamagitan ng droplets ng ina habang ito ay kinakarga o nagpapadede.

Dahil dito ay pinayuhan ni Daluro ang mga nanay at sinuman sa pamilya na humahawak o nag-aalaga ng sanggol na magsuot ng facemask at laging mag alcohol upang maiwasang mahawa ang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *